Local Authors

Eric Maliwat

About the Author:

Malinaw na malinaw ang pagiging “ubas” ng buhay ni Eric C. Maliwat. Bukod sa pagiging broadcaster, siya rin ay isang motivational speaker, award-winning recording artist at ordained minister.  

Bilang station manager ng 702 DZAS - Far East Broadcasting Company, umani ang istasyon at ang mga programang kanyang nilikha sa radyo ng iba't-ibang pagkilala mula sa KBP Golden Dove Awards, Unicef, atbp. Bilang broadcaster, siya rin ay tumanggap ng pagkilala at nominado sa iba’t-ibang kategorya. Naging paboritong tagapagsalita na rin siya sa iba’t ibang mga organisasyon, unibersidad, kumpanya at simbahan kung saan napakarami na niyang nabahaginan ng kanyang mga kaisipan: mga kabataan, mga propesyonal, mga magulang, mga negosyante, mga guro, mga OFW, mga opisyal ng pamahalaan at iba pang lider sa lipunan dito sa Pilipinas at sa iba’t-ibang ibansa. 

Sa patuloy niyang pamumunga, siya ay nakapag-produce ng music album, ang Acoustic Recollection, na ginawaran ng Special Citation ng Catholic Mass Media Awards noong 2008 bilang Best Religious Album. Noong 2008 din inilabas ang kanyang audiobook na “Maging Ubas, Huwag Pasas”. At ngayon, mayroon na naman siyang panibagong daluyan ng inspirasyon -- bilang manunulat. 

Nagtapos si Eric ng AB Theology sa Febias College of Bible noong 1995. Bago nito ay nag-aral siya ng BS Electronics and Communications Engineering sa Mapua Institute of Technology. Siya’y nagsanay naman sa Germany at Israel bilang mamamahayag. Nagsimula din siya sa kanyang MBA studies sa Asian Theological Seminary. Siya ay nagpapastor ng Caloocan Christian Church habang naninirahan sa maganda at maayos na lungsod ng Marikina. 

CSM Books Written: