Local Authors

Gammy Alba

About the Author:

Si Pastor Gammy (Gamaliel) Alba ay ipinanganak noong January 15, 1954 sa Pasay City. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Padre Zamora Elementary School at ng high school sa Union High School of Manila (Philippine Christian University). Tinanggap ni Pastor Gammy si Hesus bilang Panginoon at personal na Tagapagligtas noong December 26, 1974.

Nagtapos siya ng Bachelor of Theology sa Febias College of Bible. Kumuha siya ng M.A. units in Psychology sa Ateneo University. Tinapos niya ang Master of Science in Guidance and Counseling (MSGC) sa De La Salle University.

Kumuha din ng special course si Pastor Gammy on counseling with focus on “Conflict Resolution, Negotiation and Mediation” sa Mt. Royal College sa Calgary, Canada.

Ang asawa ni Pastor Gammy ay si Mila Olmedo Alba, isang nurse. Mayroon silang dalawang anak, si Mark at si Joel Alba.

Si Pastor Gammy ay minsang naglingkod sa Febias College of Bible bilang Dean of Men; head of Promotions Department; at guro.

Ilang local churches din ang naitayo sa pangunguna ni Pastor Gammy.

Sa ngayon, si Pastor Gammy ay naglilingkod sa Dios sa ilalim ng Day by Day Christian Ministries bilang pastor, counselor at guro.

CSM Books Written: