CATEGORIES

P 99.00

View in Lazada

Saan Ka Man Naroon: Devotions Para sa OFW

Author: Ana Gamez , Lollette Calingasan

Paperback Book, 182 pages

DESCRIPTION:

Hindi lang determinasyon at tibay ng loob ang kailangan para mangibang bansa lang-alang sa pamilya at pangarap. Sa dami ng haharaping hamon, tukso, at hirap ng isang OFW, kailangan niya ang gabay, turo at pangunguna ng Diyos.

Ang maiikiling 180 artikulo sa SAAN KA MAN NAROON ay isunulat ng mga nakaranas ng buhay-OFW at magpapakita kung gaano kalaki ang tulong at patnubay ng Salita ng Diyos sa bawat araw. Humugot ng inspirasyon, pag-asa, ay lakas sa mga devotions na ito para at tungkol sa nga OFWs. Makikinabang din ang kahit sinong nais umunawa at manalangin para sa ating mga kababayang tinaguriang bagong bayani sa masalimuot na panahon ngayon.

 

WRITER PROFILES:

Si Lollette Y. Calingasan ay naglilingkod bilang misyonera sa Kami Itabashi International Christian Fellowship (KICF) at Jesus Our Shepherd Christian Felllowship (JOSCF) sa Tokyo, Japan.  Sa pamamagitan niya naitatag ang OFW ministry sa Bauan Bible Christian Church. Bahagi rin ng kanyang ministeryo ang pag-abot sa ating mga kababayang OFWs sa Japan at sa ibang bansa sa pamamagitan ng pagpapayo at pagbabahagi ng salita ng Diyos sa internet radio program ng FEBC Pinoy Connection, Magkaugnay. Kapwa may-akda siya ni Ana Gamez ng librong Are You Called to Go or Called to Stay? Alin ka sa Dalawa?

Si Bolen de Ramos ay pintor, disciple-maker, events organizer at ina ng limang adult na anak.  Naging OFW siya sa Hong Kong bilang customer relations officer sa isang employment placement agency sa naturang bansa.  Katuloy ito ng tungkulin niya bilang member care personnel para sa mga misyonero ng Conservative Baptist Association of the Philippines sa East Asia. 

Nag-OFW sa Saudi ang tatay ni Rev. Jorge de Ramos, pati na rin ang isa sa mga anak niya at ang asawa nito sa Singapore. Nagtrabaho siya at ang misis niyang si Bolen sa isang employment agency sa Hong Kong sa loob ng apat na taon. Kasalukuyan siyang nagpapastor sa Capitol City Baptst Church sa Quezon City.

Si Ana Gamez ay misyonera ng Tanauan Bible Church sa Tokyo, Japan. Bahagi ng kanyang ginagawa ay ang pag-abot sa ating mga kababayang OFWs, mga Filipina na nag-asawa ng Hapon at mga Hapon. Siya ang may-akda ng Blessing OFWs to Bless the Nations at ng Are You Called to Go or Called to Stay? Alin Ka Sa Dalawa? kasama si Lollette Calingasan bilang kanyang co-author. Siya rin ang host ng Pinoy Connection Magkaugnay-Japan, ang 24/7 internet radio ng Far East Broadcasting Company (FEBC)-Philippines para sa mga Filipino sa buong mundo.

Mahigit dalawampung taon ang ginugol ni Joey L. Garcia bilang OFW bago siya nagdesisyong umuwi at magsimulang muli sa sariling bayan.  Pagbalik sa Pilipinas, sa edad na 45, ipinagpatuloy niya ang naudlot na pag-aaral at nagtapos ng Journalism sa Colegio de San Juan de Letran bilang summa cum laude.  Sa kasalukuyan, siya’y patnugot ng Kaloob Publications at administrador ng Day By Day Christian Ministries. 

Si Rev. Rey Navarro ay missionary pastor sa mga OFWs simula pa noong 1993. Siya ay kasalukuyang miyembro ng Board of Trustees ng Luzon Convention of Southern Baptist Churches at nakatalagang Overseer sa Global Missions Department nito. Siya ay naging pangulo ng Network of Filipino Churches Singapore at pangalawang pangulo ng Filipino Association of Singapore.

VIEW IN SHOPEE (Printed)

VIEW IN AMAZON (E-Book)

For bulk ordering or international shipments send an email to order@csm-publishing.com

CATEGORY : Inspirational/Self-Help
SUB CATEGORY : Christian Living
PUBLISHER : CSM Publishing Inc.
ISBN/EAN : 480523178105
LANGUAGE : Tagalog
EDITION : Softbound, e-Book
WEIGHT (KG) : 0.2
BOOK DIMENSIONS : 4 x 6 in.